Bukas, ngayon.

Orientation na bukas. Wednesday na enrollment. Pagkatapos ng huling araw ng review sa Sabado, maglilipat na kami sa dorm. Parang hindi nagbakasyon eh.

Well, isang buwan. Pero ano ba naman ang isang buwang bakasyon kapalit ng siyam na buwan ng pag-aaral? Hwooh. Sabagay. Di naman kami nag-aaral. Hehe.

Tsaka, on the bright side, balik dorm naaa! Makakapag-basketball na ako nang hindi nag-iisa[wah ala-Stewie]. Buong summer kasi, sa likod ng bahay lang ako nagbabasket, wala pa akong kalaro. Medyo mababa pa yung ring sa amin.

Tapos, makikita ko na roommates ko! Ang hula ko, roommates ko si Raymond Alibutud at si MJ Dolorico. Tapos yung isa, dapat si Jamil Fabia, pero hindi na s'ya magdodorm kaya papalitan na lang s'ya ni Wappie. Hula lang yun huh. I absolutely have no confidence in that guess.

Tapos, dahil tahimik nga yung mga hinulaan kong magiging roommates ko, mas makakapag-concentrate ako. Medyo malungkot nga lang at mangangalahati kami. Third year nga siguro talaga yung happy year. Buti nag-enjoy na ako. Hehe.

At syempre, excited na din akong pumasok. Kaklase ko kaya yung mga hinulaan kong roommate ko? Siguro. Pero hindi talaga ako sigurado. Hehe.

First week, matutulog lang ako. At maglalaro. Mag-aaral? Syempre. Hinde. Kayo rin. Wag n'yo kaming gayahin.
[Ako, Neil, Fungo, Wappie, at iba pang mga bad influence. Hehe.]

Yun muna. Kitakits bukas. Dala kayong bola. =)

All black nga pala kami sa orientation. Dapat. Brown yata susuutin ni Neil eh.

Ngapala rin, tinadtad ko na ng laro yung games section. Try mo yung Parking Perfection.



School at last... *evil laugh*


 

Copyright 2006| Blogger Templates by GeckoandFly modified and converted to Blogger Beta by Blogcrowds.
No part of the content or the blog may be reproduced without prior written permission.