Nung isang araw, bago ko umalis para magreview, nanood muna ko ng laro ng Celtics at Cavs. Ang ganda nung laro. Lupet nina LeBron at Paul Pierce. Classic showdown in the making na, first quarter pa lang. Di mo talaga mapipigilang maikumpara sa Dominique Wilkins-Larry Bird rivalry noong 80's. Yung tipong nasa balikat na nila yung team, at pati na rin yung pag-asa ng milyun-milyong fans. Yun na yung pagkakataon nila eh. Do-or-die.
And they delivered. Parang ngang naggagayahan lang sila ng tira. Naglay-up si LeBron sa kabila, sasagot naman si Pierce with an acrobatic shot. Tumira ng tres si Pierce, sasagot si LeBron with a fadeaway. Tuloy-tuloy lang yun, hanggang sa point na halos lahat ng tira e nanggagaling sa kanilang dalawa. Naka-45 si LeBron. 2 points na lang, kalahati na ng team total. One-man team pa rin talaga, kahit nag-trade na sila for shooters. Si Paul Pierce naman naka-41. Ang lupet nga eh, parang hindi sila big 3. Napigilan kasi si Ray Allen.
Comparably, naka-47 si Dominique, at naka-34 si Bird noong araw. At nanalo rin ang Boston. Galing 'no? Infairness, ang lapit lang nung laban. 97-92. Kung nandun siguro si Boobie Gibson, nakatulong pa sya at nanalo pa ang Cavs. Kaso wala eh. Hehe.
Congrats Celtics. Make that Lakers-Celtics match happen again. Rekindle the rivalry.
Sa kabilang dako naman, natalo ng Spurs ang Hornets. Natalo rin ako kay Jigs ng singkwenta.
Inexpect ko kasing magtutuloy-tuloy ang Hornets. Nag 2-0 kasi sila nung simula, at hindi basta-basta ang Spurs. Homecourt man nila o hindi, magaling na sila nang nalamangan nila ang defending champions nang ganun. Kung nanalo lang sila ng Game 3, tapos na sana yung series. Kaso hindi eh. Masyado ko sigurong na-underestimate ang Spurs. Nakalimutan ko kung gaano sila kakunat.
At ayun nga. Tinapos nila yung season ng Hornets kahapon. Best season pa man din nila in franchise history. Hindi lang iyon. Anlaki ng naitulong ng Hornets, at ng MVP runner-up na si Chris (chup)Paul, sa recovery ng New Orleans from Hurricane Katrina. Nag-All Star Weekend pa doon. Kaya sayang at natapos yung season ng ganoon.
Pero okey lang. Sabi nga ni Gregg Popovich, ang head coach ng Spurs, darating rin ang oras ng New Orleans, hindi nga lang ngayon. Bata pa yung team eh. Especially yung core nilang sina Chris Paul, David West at Tyson Chandler.
Next year, New Orleans vs. Cleveland na yan. Sa ngayon, sana naman wag Pistons-Spurs ulet, no? Hehe.
Labels: NBA, NBA Analyst