Damn.

Conference Finals na.

Nanalo ulit yung Celtics. At nanalo nanaman si Jigs sa pustahan. Buti bente lang ngayon. Malas ko talaga sa pustahan. Tsk.

Di ko pa napapanood yung laban eh. Tinignan ko lang sa Yahoo! Sports. Pero inexpect ko talagang mananalo ang Pistons kahit home ng Celtics kasi well-rested sila. Mga isang week silang nakapagpahinga, samantalang isang araw lang yung Celtics. Siguro nga, in-underestimate ko nanaman ang puso ng isang championsip-material team tulad ng Celtics. Best performers sina KG at Pierce, with 26 and 22 points, respectively. Maganda din ang nilaro ni Rondo, lalo na nung fourth quarter. Nagtala siya ng 11 points at 7 assists.

I expect(hayan nanaman) this series to be very physical. Battle of the defensive teams eh. Ang Detroit nanalo laban sa Lakers noong 2004, dahil napigilan nila si Shaq from dominating. Ang Celtics naman, best defensive team ngayong regular season, at nasa kanila si Garnett, ang Defensive Player of the Year. Pero Celtics mananalo dito. Pustahan. Hehe.

Anyway. Damn. [Naks. Reiteration ng post title.]

Na-realize kong next week, e tuluy-tuloy na ang pasok. Monday-Sunday, either may review or may gagawin sa Pisay. Tapos, tapos, yung Monday after that week e pasukan na sa Pisay.

Sarap ng buhay ah. Matutulog na nga ako. Tsk.

Kaw din. Hehe. ^^


 

Copyright 2006| Blogger Templates by GeckoandFly modified and converted to Blogger Beta by Blogcrowds.
No part of the content or the blog may be reproduced without prior written permission.