At last! A personal blog.

Hehe. Tanga ko talaga.

Sa dinami-rami ko nang nagawang blog, yung personal blog pa ang huli kong susubukan. Ayaw kasing tanggapin ng utak ko eh.

Mas natipuhan ko nung simula yung purely informative. Kinonsidera ko rin yung may political theme. Andami ko pang ibang naisip. Pero ang tangi kong iniwasan e yung personal blog. Hehe.

Ewan. Para kasing pambading eh. Magkekwento ka lang tungkol sa araw mo, maglalagay ng lyrics ng emong kanta, magrereklamo, magpaparining sa mga kaaway, mang-aasar, atbp. Dormer naman ako, kaya the last thing I would need is a cathartic blog. Pwede naman akong sumigaw sa dorm anytime, mas marami pang magjo-join sa akin. Lalo na ngayong magfo-fourth year na kami.

Shet taglish na.

So bakit meron na ko ngayon?

Tinamad na ako eh. Hehe. Nung sinubukan kong mag-blog purely about the NBA, na-realize konti lang talaga ang makakarelate, at nakakatamad ding mag-update everytime may mga laro, lalo na kung regular season. Nung sinubukan ko namang mag-political commentary, hindi ko kaya eh. Hindi pa ako abugado o Pol Sci graduate eh, so I can't blog about politics all the time. At hindi pa ako magaling mag-Ingles.

At. Ewan ko. Nakakatamad rin kasing magblog kapag one-way lang ang topic. Na-realize ko na kung mas varied ang topics, mas interesting for the readers. Mas pleasurable din siguro para sa akin, kasi I can post whateverr I want wheneverr I want to. Hindi ako mapepressure magpost kapag may current events, at hindi makoconstrict yung topics ko in such a small circle. Tutal, yung mga successful bloggers naman ngayon e nagsimulang magblog for personal purposes lang. Gaya na 'ko diba? Para worth the time.

Ayun. Kayo rin. Sakay na. ^^


 

Copyright 2006| Blogger Templates by GeckoandFly modified and converted to Blogger Beta by Blogcrowds.
No part of the content or the blog may be reproduced without prior written permission.